Nawalang Pag-ibig--
Oh, aking mahal na mula sa mutya
Mutya ka ng silangan sa iyong angkin ganda
Na sa akin nagpapabighani sa twina..
Nais ko sayo na mabatid
Pintig nitong aking dibdib
Na ikaw ang hanap sa gabi
Gabi na puno ng pangako
Pangako na sa akin nagbigkis sa iyo
Upang ikaw ay di malimot ng buo..
Ngunit Hanggang kailan kaya
Kita mamahalin ng ganito…
Kung ang puso mo inangkin na ng buo..
Buong-buo sa taong kaibigan ko…
Ewan ko ba kung bakit ba?
Ganito nalang ang nadarama twina..
Sana masagot ko na lang kung hanggang kailan
Upang puso ay hindi na mahirapan..

0 Comments:
Post a Comment
Please let me know your suggestion or comments regarding the article
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home