Alinlangan....
Paano ang lahat nagsimula sa wla kung ang tingin ko sa iyo
no’ng una pa ay iba na. Masasabi mo ba na ang
pagkakaibigan natin ang siyang dahilan o alam mo na ang lahat
na ang tingin ko sayo’y iba na at pag-ibig ang siyang dahilan na
inilihim at sa akin ay minabuting baliwalain.
Lubos man ang aking takot sa mga pwedeng mangyayari ngunit di ko
talaga lubos maisip ang mga kapahamakan na pwedeng mangyayari, dahilan ba ito sa aking sirang pag-iisip kaya pilit itinago ang aking
naramdaman sa iyo, kaibigan kong mahal.
Kapahamakan man itong aking nadarama alay sa iyo, ngunit alam ko
ito’y isang aral sa aking pagkatao na lubosin ko ring itong alamin
at kilalanin, na di ko talagang lubos maunawaan ang totoo kong pagka-ako
Dahilan kaya ako ay nakadarama ng ganito.
Pinilit ko mang limutin ang mga gunita sa mga panahong ako’y nagnakaw ng pagkakataon na magyari ang isang bagay, ngunit sa likod ng mga ito ang nandoon pa rin sa isipan ang mga tanong na kung bakit mo ako hinayaang gawain ang mga bagay na alam mo na mang mali.
At sana’y sa mga panahong magkasama tayo muli, ay limot mo na rin
ang mga bagay na nangyari na at handa kanang pumigil sa akin kung ako ma’y madadala sa aking lihim na nadarama sa iyo, na siya namang malaking kamalian lalo
na ikaw ay may iba ng mahal. Masakit man ito’ng isipin ngunit may mali ka rin
dahil ako’y iyong pinagbigyan.. Di ko tuloy alam kung ako ba’y mahal mo rin…
Labels: friendship, literature, love

0 Comments:
Post a Comment
Please let me know your suggestion or comments regarding the article
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home