Moment of Truth
Paano ko ba sa iyo maikaila na ako’y may problema?
Paano ko ba maitatanggi na ang pagkatao ko’y sira na?
At paano ko sa iyo masasabi na ika’y sa akin napamahal na?
Di ba ang hirap gawin na ika’y aking lihim na minahal sa kabila
na tayo’y magkaibigan. Di man lubos ako ay tama, ngunit ako ay umaasa
Na sa twina ako’y makalaya na para hindi na
Masasaktan ng lihim na sa mga panahon may iba kang kasama. Kahit na sino man yata, alam na kapag ang taong magmahal ay sadyang
handa na paninindigan ang bulong ng kanyang puso. pero ewan ko ba
sa akin at ito’y masyadong malayo na magkakatotoo. Siguro alam mo na ang lihim na aking nadarama,
Ngunit naghihintay ka nalang sa akin na sa
Kalauna’y sa iyo’y ipagtapat ang syang nadarama. Batid man ang kaba ngunit ako’y walang kwenta na magpasya
na itigil ang ganitong pagkakaloko kaysa dumating
ang araw na ako’y magsisisi at ni isa walang matira, at sa kalauna'y
handang magmahal sa iba..
Labels: literature, love, tula

0 Comments:
Post a Comment
Please let me know your suggestion or comments regarding the article
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home